Napakagandang eskwelahan ng Seibo College. Pumasok ako sa Seibo nang kakaunti ang alam, lumabas ako ng may maraming kaalaman. Salamat sa mga moderators dito dahil hindi nila kami pinabayaan. Tinuruan at pinalaki kami nang may kinikilalang Diyos at higit sa lahat may takot sa Diyos.
The Seibo System taught me to become an independent learner. It also exposed me to different avenues of learning which helped me a lot to develop confidence. Seibo is awesome and I miss the kind of Spirit that Seibo has!
Dahil sa Modular System ng Seibo College, natuto akong maging isang independent learner. Ngayong independent learner na ako, mas napadali ang pag-aaral ko sa kolehiyo.
Ang laki ng tulong na naibigay sa akin ng Self-paced Learning na isang paraan ng pag-aaral sa Seibo College ngayong nasa kolehiyo na ako.
Ang naitulong sakin ng pag-aaral ko sa Seibo College ay mas nakita ko ang tunay na imahe ng isang responsableng estudyante. Isang bagay na malaking naitulong saakin ng Seibo ay yung “tumayo ako sa sarili kong paa”, dahil noong tumuntong na ako sa kolehiyo ako lamang ang gagawa ng paraan para makatapos ako. Ganon ang itinuro sakin ng Seibo College na kung hindi ka gagawa ng paraan, ikaw rin ang maiiwanan.
Ang magandang naidulot sakin ng pag-aaral ko sa Seibo ay natuto akong mag Self-Study. Napakalaki ng naitulong nito sakin dahil isa itong ADVANTAGE para sakin. Kaya kong sagutan mag-isa ang mga lesson at mga subject ko. Tinuruan din nila ako kung paano gumalang at rumespeto sa ibang tao o kamag-aral. Ang laking pasasalamat ko sa mga naging guro ko sa Seibo dahil sa kanila ay natuto kami. Tinuruan nila kaming mag-aral sa sariling sikap ng hindi na kailangan ng tulong ng ibang tao. Isa sila sa mga dahilan kung bakit nasa kolehiyo ako ngayon. Ang mga natutunan ko sa Seibo ay aking naiaapply sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Ngayong nasa kolehiyo na ako, pakiramdam ko ay angat ako sa aking mga kaklase dahil kaya kong mag-aral mag-isa. Maraming salamat sa lahat ng naitulong ninyo sakin. Tatanawin koi tong utang na loob. Maraming salamat.